Thursday, March 22, 2012

Anja Aguilar bagong pasisikatin ng Viva!

Bet na bet ni Boss Vic del Rosario ang bagong alaga nila na si Anja Aguilar. “Itataya ko ang pa­ngalan ko rito,” sabi ni Boss Vic.

Potential multi media superstar ang ‘prediction’ ng big boss ng Viva Group of Companies kay Anja na champion sa Little Big Star, ang dating singing contest para sa mga bata sa ABS-CBN, hosted by Sarah Geronimo.

“Hindi ko sasayangin ang oras ko rito kung wala akong nakikitang potential sa kanya. Sa kantahan, kayo na ang mag-judge. Ang galing. Sa aktingan, subok na ‘yan, mga walong beses na siyang nag-guest sa Maalaala Mo Kaya,” katuwiran ni Boss Vic na kilalang may ‘third eye’ pagdating sa mga kung sino ang sisikat at hindi.

Bata pa lang ay suki na rin si Anja sa mga singing contest kung saan-saang barangay kaya naman hasang-hasa na ang boses niya.

Hanggang manalo nga siya sa Little Big Star. Pumasok sa AMA Compu­ter School bilang scholar na part ng premyo niya bilang winner sa nasabing singing­ contest sa TV na pinagmulan din ni Sam Concepcion, hanggang ipinakilala ng taga-AMA kay Boss Vic.

“Nakita kong paano siya kumanta kaya nga nasa ASAP na siya,” dagdag ni Boss Vic na pinaka-in demand na manager sa kasalukuyan bilang galing sa kanilang kumpanya ang malalaking artista sa kasalukuyan tulad nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, at marami pang iba.

Kaya naman agad siyang binigyan ng solo album ng Viva na magkakaroon ng launching next week.

Karamihan sa 10 kantang kasama sa kanyang self titled album ay original. Kasama sa mga nagsulat ng mga kanta sina Vehnne Saturno at ang hitmaker na si Christian Martinez.

-PSN


May sampung kanta sa album – To Reach You, I Love You, Nasaan ang Pangako, When, ‘Di Bale na Lang, Ako Pasa Sa ‘Yo, Magic of Love, Ako, I Love You (Minus One), and To Reach You (minus One).

Carrier single ang To Reach You na madalas marinig sa mga FM radio station.

Nineteen years old lang si Anja.

-PSN

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...