Friday, March 9, 2012

Aljur Abrenica hindi apektado sa pagiging bubuyog!

Sino ang magiging special guest ni Aljur Abre­­nica sa kanyang birthday/anniversary na ga­gawin niya sa kanyang resort?

Will it be Kylie Padilla, Rhian Ramos o Kris Bernal ang magsisilbing special guest?

Bagaman at sinasabing hiwalay na sila ng anak ni Robin Padilla, hindi naman nagbabago ang pagkakaibigan ng dalawa. Hindi man sila nag­ti-text o nagkikita, nananatiling matatag ang kanilang pagkakaibigan.

Kung meron mang naaapektuhan ng pagtawag ni Binoe ng “bubuyog” kay Aljur, hindi ang ak­tor. Mas appreciated nga niya ang pangyayaring ina-acknowledge ng ama ni Kylie ang panliligaw niya rito.

Itinatanggi rin ni Aljur ang sinasabing pagka­ka­mabutihan nila ng kanyang katambal sa My Kon­trabida Girl na si Rhian Ramos. Talaga raw malam­bing ang aktres maski na nung una silang magkasama saIlumina.”

Samantala, parang selebrasyon ang pagki­kitang muli nina Aljur at Kris Bernal sa Party Pi­lipinas.Nagkasama rin sila sa isang production number kaya kinailangang magkita sila sa rehearsal.

Masaya naman ang dalawa sa kanilang reunion.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...