Sunday, March 4, 2012

Ali Sotto, nag-resign sa GMA7!

Noong Friday kumalat ang balitang nag-resign sa programa niya sa GMA News TV Channel 11 na Personalan si Ali Sotto. Pati ang offer ng News & Public Affairs ay hindi rin nito tinanggap.

Ang sabi, baka pagod na ito at may nagsabi namang aalis ito at dadalawin ang anak na nagtatrabaho sa abroad. Puro haka-haka lang ito dahil wala pang lumalabas na totoong rason kung bakit nag-resign sa kanyang show si Ali.

Nabalitaan din namin na itutuloy ng GMA News TV Channel 11 ang Personalan dahil positive ang feedback ng mga viewers at nakakatulong sa mga may problema.

-PSN

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...