Tuesday, February 7, 2012

Townhouse ni Sheena Halili sasaluhin ni Marian Rivera kapag ’di nabayaran.


Sa location ng Amaya sa Pagsanjan, Laguna rin ang location ni Sheena Halili sa mga eksena niya sa Alice Bungisngis and her Wonder Walis, kaya bigla itong nalungkot. Agad nitong tineks si Marian Rivera para ibalitang nasa Pagsanjan siya.

Nakaka-ilang taping days pa lang sa Alice Bungisngis si Sheena, hindi pa niya alam kung sino sa mga kasama ang magiging close sa kanya. Sa Amaya, naging close sila ni Marian at ito ang nagpayo sa kanyang bumili ng townhouse na kundi niya titirahan ay puwede niyang paupahan.

Takot si Sheena na baka hindi niya mabayaran ang monthly amortization ng townhouse at dito pumasok si Marian. Kinausap nito si Sheena at sabihin lang sa kanya kung wala siyang pambayad at si Marian muna ang magbabayad na sob­rang ikinatuwa ni Sheena.

Samantala, balot na balot si Sheena sa costume niya sa Alice Bungisngis, hindi siya makakagat ng mga insekto sa location. Bagay sa kanya ang maging voodoo doll.

Titirahan ni Sheena ang townhouse at sasamahan siya ng kanyang ina. Malaki ang pasasalamat nito kay Marian na good influence sa kanya.

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...