Saturday, February 25, 2012

Rayver Cruz ayaw magpapilit mag-guest sa show ni Sarah Geronimo!

Noong isang Linggo ay game na game na si­nagot ni Sarah Geronimo ang tanong sa kanya ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice. Tungkol ito sa kung ano ang gagawin ng Pop Princess kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataong komprontahin si Rayver Cruz na naugnay sa kanya noon.

“’Di ba sabi ko naman sa ’yo maging honest ka lang then I will let you go. I want you to be happy. ’Yun lang,” nakangiting sagot ni Sarah.

Nagbigay naman si Rayver ng kanyang reaksiyon tungkol sa naging pahayag ni Sarah. Ayon sa binata ay wala nang isyu sa pagitan nilang dalawa.

“Oo, dati hindi eh. Okay naman na kasi lahat eh. Alam mong okay na lahat. Ang tagal na nun eh, pinipilit lang ibalik ng iba pero ang totoo masaya na lahat. Ramdam ko naman na lahat masaya na,” nakangiting pahayag ni Rayver.

Papayag kayang mag-guest ang binata sa bagong show ni Sarah na Sarah G. Live kung sakaling maimbitahan siya?

“Actually, walang problema kasi tapos na ’yun. Past is past ’di ba? Naka-move on na lahat pero tama ’yung sinabi ni Cristine (Reyes) na kung marami pang masasabi ’yung ibang tao and kung hindi naman maganda ang sasabihin nila, ’wag na muna nating pilitin.

“Okay kaming tatlo, sila ni Cristine okay na okay din sila, pero ’yung mga tao sa paligid, kung may sasabihin lang na hindi maganda, huwag na muna nating ipilit,” paliwanag ni Rayver.

-philstar

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...