Tuesday, February 28, 2012

Budoy malapit nang mag-goodbye!

Huling dalawang linggo na ng Budoy na pinagbibidahan ng Drama Prince na si Gerald Anderson. Mula nang umere ito noong Oktubre 2011, sinubaybayan ng mga manonood ang karakter ni Gerald na gabi-gabing nagpapangiti, nagpapaluha, at nagbibigay inspirasyon sa buong pamilya. Ngayong linggo, tunghayan ang mga makapigil-hiningang eksena sa pagtakas nina Grace (Mylene Dizon) at Henry (Cris Villanueva) kasama sina BJ (Enrique Gil) at Jackie (Jessy Mendiola).

Ano ang gagawin ni Budoy para mabawi ang pinakamamahal niyang si Jackie at kapatid na si BJ?


Magtagumpay kaya si Grace at Henry na makaalis ng bansa?

Paano haharapin ni Budoy ang mga problemang pinagda­da­anan sa kabila ng kaniyang sakit?

-pilipino star ngayon

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...